Home » » 200K na halaga ng regalo ang ibinigay ni John Lloyd kay Sarah Geronimo

200K na halaga ng regalo ang ibinigay ni John Lloyd kay Sarah Geronimo

Written By Pinoy Favs on Tuesday, April 23, 2013 | 9:32 PM


Uy mahigit P200K daw ang halaga ng ibinigay na regalo ni John Lloyd Cruz kay Sarah Geronimo - Cartier watch - bago nila natapos ang pinipilahan pa ring pelikula nilang It Takes a Man and a Woman.
Maalalang noong una ay ayaw sabihin ni Sarah kung ano ang nasabing regalo. ‘Yun pala ay susuutin niya sa victory party ng kanilang pelikula.
“Time, time is something we share in a very special way,” sabi ng actor na karelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang TV interview nang tanungin tungkol sa pagbibigay niya ng mamahaling relos sa kanyang leading lady.
Kilalang galante ang aktor sa pagbibigay ng regalo.
Samantala, isang source ang nakapansin na wala raw representative ng Viva Films sa naturang victory party ng It Takes a Man and a Woman na ilang milyon na lang daw ay malalampasan na ang filmfest entry na Sisterakas nina Kris Aquino, Vice Ganda at AiAi delas Alas. As of yesterday, balitang naka-P375 million na ito.
Pagbalik ni Willie Revillame sa ABS-CBN hindi totoo – Charo Santos
Nagsalita na si ABS-CBN president and chief executive officer Charo Santos-Concio tungkol sa lumulutang na balitang nakikipag-usap sila sa kampo ni Willie Revillame para sa posibleng pagbabalik ng TV host sa kanila dahil malapit na raw ma-expire ang pinirmahan nitong kontrata sa TV5.  
“That’s not true. We’re not in talks with Willie Revillame. We’re very happy with the ratings of [It’s] Showtime. We’re very happy with Showtime,” sabi ni Ms. Charo sa ABS-CBN.com.
Kumalat ang isyu na ayon sa isang source, sa kampo naman talaga ni Revillame nanggaling, na kinakausap siya nang nilayasan niyang network. 
“Wala na kasi sa kanyang puwedeng pag-usapan. ‘Yung sinasabi niyang pagtulong niya sa mahihirap hindi na kinakagat ng mga tao kaya siguro ‘yun naman ang pinalulutang niya, ‘yung babalik siya sa Dos,” sabi ng source.
Actually, tinalbugan pa raw nga ni Ryzza Mae Dizon ang programa ni Willie na Wowowillie in terms of ratings. Mas pinag-uusapan na raw ang programa ni Ryzza samantalang hindi naman ito namimigay ng mga datung na papremyo.
Ay hala. Anong nangyari? Inilipat sa noontime slot ang nasabing programa ni Revillame para makipagsabayan sa Showtime at Eat Bulaga pero hindi nangyari ang plano ng TV5 na kumita sila nang mas malaki sa tanghali dahil nauna na ring napabalita na ang TV host lang ang kumikita sa programa bilang producer nito.
Anyway, hanggang kahapon ay pinag-usapan ang panibagong isyu na kinakaharap ng programang Wowowillie kung saan guwardyado ang programa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa sobrang mga seksing suot ng mga dancers nito.
Bago ito ay kinastigo na rin ang programa dahil sa ginawang paglilitanya ni Revillame sa tinanggal niyang co-host na si Ethel Booba kung saan sinumbat-sumbatan niya ito sa ere na idinenay naman ni Booba.
Heart umaming kailangan ng pastor at therapist sa kanyang mga pinagdadaanan
Kinumpirma ni Heart Evangelista sa Yes magazine na may sakit nga ang kanyang ama at bawal ma-stress. Pero ibinuko niya ang sinabi ng ama na : ‘‘But I also heard that he asked someone, ’I’m not sick. Why is she (his wife) saying I’m dying when I’m not?’’ sabi ni Heart sa interview na kung saan ay nagsalita sila ni Sen. Chiz Escudero tungkol sa mga nangyaring gulo sa pagitan niya at ng kanyang pamilya.
‘‘I love my dad! If he dies, I’ll die. If, again, I’m cau­sing so much (pain) to him, if he really thinks I’m crazy, I will go crazy!’’ sabi niya tungkol sa ama na lumabas na nagsinunga­ling ang kanyang ina nang sabihin nitong kailangan nang makipag-ayos ng aktres sa kanyang ama bago maging huli ang lahat.
Maging ang tungkol sa sinabi ni Mrs. Cecille Ongpauco na kailangan niya ng  psychiatric treatment ay sinagot din ni Heart.
‘‘I think what she meant was, I’m a very emotional person.
‘‘I’m very malambing. And needy means I’d love my loved ones to all be together. And so, if that’s what she meant, she’s right. I’m a family girl. I like being around people that I love.’’
Sinabi niya ring dati hindi niya kaila­ngan ng psychiatric treatment. Pero ngayon parang kaila­ngan na raw dahil sa mga nangyayari.
‘‘I think I do need one right now!,” sabi niya.
‘‘I definitely need someone to talk to now. I’m so blessed that I have people in my life. Imagine if I didn’t have good people around me? I wouldn’t know what would happen to me. Of course. I’m 28, and I know what’s right and what’s wrong, but with this kind of situation? I don’t know what you’d do. I do need a pastor, a therapist — anybody to talk to!’’
Ang mga magulang niya ang dating kinakausap niya tungkol sa mga pinagdadaanan niyang mga isyu. ‘‘I do need to talk to someone ’cause I can’t talk to them. I do need to talk to someone because we’re in this situation now. But I’m not crazy,’’ seryosong pahayag niya.

0 comments:

Post a Comment



Followers

Donate to this blog

We would like to extend our greetings to everyone of our readers. Your donation is very much helpful for us to continue serving you top information. Thank You -pinoyfavs-

Total Pageviews