Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko Pagbangon Version - Tribute sa mga biktima ng trahedya sa Pilipinas.
A special version of the ABS-CBN Christmas Station ID was produced to pay tribute to the Filipino's unwavering spirit in these trying times. Through a song, we light the flame of hope. The road ahead might not be easy, but through our collaborative efforts, we'll be able to rise from this challenge and let the Filipino brand of compassion and heroism shine through.
The special version of Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko was written by Robert Labayen, music by Jumbo "Bojam" De Belen, Jelli Mateo and Thyro Alfaro with orchestral arrangement by Gerard Salonga featuring The ABS-CBN Philharmonic Orchestra. This new version of the music was produced by Flipmusic with the help of Johnny Delos Santos and Darryl Shy.
Creative Account Managers: Danie Sedilla-Cruz, Sheryl Ramos, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Dang Baldonado, Faith Zambrano
Editors: Con Ignacio, Bridge Sulit
Promo Specialists: Adrian Lim, Ian Faustino, Christine Estabillo, Love De Leon, Christine Joy Laxamana, Lawrence Arvin Sibug, Lourdes Parawan
Technical Producers: Jaime Porca, Jojo Medrano
MAGKASAMA TAYO SA KWENTO NG PASKO
Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas mang ulan ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila
Anumang lungkot tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap ay muling magaganap
Muli pang sasaya ang kwento ng Pasko
Kahit ano pa man ay may daramay sa'yo
Ngayong kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y mag kasama tayo
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa'yo
Sa'ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa'yo
Sa'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko
Whoa-oh-oh
Kwento ng pasko
Ang 'yong mundo'y hindi gumuguho
Anumang unos hindi ka sumusuko
Dahil sa Panginoon ay
Nakakapit ka nang matibay
Madilim man ang kalangitan
May liwanag ang pagdiriwang
Dahil tayo ay tinitipon ng
Pagtutulungan at pagmamahalan
Muli pang sasaya ang kwento ng Pasko
Kahit ano pa man ay may daramay sa'yo
Ngayong kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa'yo
Sa'ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa'yo
Sa'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko
Magbago man lahat sa mundo
Mananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa'yo
Sa'ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa'yo
Sa'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko
0 comments:
Post a Comment