Here are the some lines stated on the said letter:
Lourd de Veyra to Vic Sotto: "Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY (“Puwede na ’yan.”)"
"Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro."
"Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing “Pinaghirapan namin ito,” dahil maglolokohan lang tayo."
"Tingin ko naman ay puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong pamilya—na hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento. Ang tagal mo nang kumikita, bossing. Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan. Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya."
0 comments:
Post a Comment