Walang Tsunami
Samantala, nilinaw ni Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Henry Busar na walang tsunami sa Tayabas Bay na pinaliligiran ng mga coastal barangay sa San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon.
Aniya, kakaiba lang ang galaw ng dagat at maaaring epekto ito ng Bagyong Henry.
Ito rin ang kinumpirma ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum.
Napag-alamang nagsilikas ang mga residente sa apat na barangay ng San Juan, Batangas patungong Candelaria, Quezon dahil sa kumalat na balita.
Pahayag ni Busar sa mga residente, kumalma na at bumalik sa kani-kanilang bahay at makinig muna sa announcement mula sa mga awtoridad bago gumawa ng anumang hakbang.
Ayon naman kay Office of Civil Defense CALABARZON Regional Director Vicente Tomazar, posibleng gawa-gawa lang ng mga nais magnakaw ang maling balita.
0 comments:
Post a Comment