Home » , » Coup d'etat Planned to Oust President Noynoy Aquino says Sen. Miriam Santiago

Coup d'etat Planned to Oust President Noynoy Aquino says Sen. Miriam Santiago

Written By Pinoy Favs on Wednesday, February 11, 2015 | 10:15 PM

Planning Coup d'etat to oust President Aquino says Sen. Miriam Santiago on Senate hearing on Mamasapano clash - February 12, 2015.  The alleged coup d'etat planned by SOUP acronyms.

Nagpaplano ng kudeta vs P-Noy arestuhin - Miriam

Ibinunyag ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa pagdinig ng Senado sa nangyaring encounter sa Mamasapano, Maguindanao ang umano'y nilulutong kudeta laban sa Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa senador, nakatanggap siya ng impormasyon na ang mga lider ng "alphabet soup acronym groups" ay nagpaplano na patalsikin ang pangulo sa puwesto.

Ang nagpopondo raw nito ay isang napakayamang tao na kilala rin sa publiko.

"I have intelligence as of yesterday that leaders of certain alphabet soup acronyms who are familiar with the public had a recent meeting, because they wanted to discuss how to stage a coup d'etat, who should be installed as president, and even their contributors were there," ani Santiago.

Dahil dito nanawagan ang senadora na agad ang arestuhin kung sino ang nasa likod nito dahil labag ito sa batas.

Ang nilulutong kudeta ay meron umanong tatlong stages katulad ng "attempted, frustrated at consummated."

Binigyang diin pa ng mambabatas na tama lamang na batikusin ang presidente, pero dapat na magtapos ang termino ng Pangulong Aquino sa legal na paraan.

"No matter how bitterly I criticize President Aquino, I am a lawyer and I still remain standing behind the rule of law," wika pa ni Sen. Miriam. "If he should leave his office, let him leave at a proper time but not by extralegal means."

Kinumpirma naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang nakuhang intelligence report ng senadora.

Ayon kay Gazmin, nakakatanggap din siya ng impormasyon pero beneberipika pa ito.

Nabatid na maraming Pinoy ang nagalit sa pagkamatay ng 44 na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) kabilang na ang dahilan sa umano'y malampayang posisyon ng pamahalaan matapos na makaengkuwentro ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang magsilbi ng arrest warrant sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Binatikos din ang pangulo sa hindi nito pagdalo sa arrival honors para sa mga nasawing SAF members sa halip ay pinili ang pumunta sa inauguration ng planta ng isang car company.

Naniniwala naman si Gazmin na hindi sasama ang militar lalo na ang mga opisyal sa anumang kudeta.

"As far as coup d'etat is concerned, it will entail the support of the military and we are very confident that the military will not be involved in this coup d'etat," pagtitiyak pa ni Gazmin. (bombo radyo)

0 comments:

Post a Comment



Followers

Donate to this blog

We would like to extend our greetings to everyone of our readers. Your donation is very much helpful for us to continue serving you top information. Thank You -pinoyfavs-

Total Pageviews