May 20, 2015: Four family members killed in Davao City massacre. The video became viral and trending online and garnered thousands of views. The massacre happened at Barangay Catalunan Pequeno, Davao City. Here's the video from even de mata page
4 miyembro ng pamilya, patay sa Davao massacre
Patay sa saksak ang apat katao na kinabibilangan ng dalawang mga bata, isang lalaki at babae na naganap sa Phase 4, Residencia del Rio Subdivision, Catalunan Pequeño, Davao City.
Ayon kay S/Supt Vicente Danao Jr., direktor ng Davao City Police Office, posibleng alas-3:00 ng madaling araw naganap ang krimen.
Nakilala ang mga biktima na sina Virginia, 58, alyas Boy, 40, at dalawang mga bata na kinilalang sina "Inday" at alyas Dongkoy.
Nakabaon pa ang patalim sa katawan ng isa sa mga biktima nang makita.
Nagtatrabaho umano sa Japan ang ina ng mga bata.
Isang Ramon Toria, call center agent, ama ng isa sa mga biktima ang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay matapos madatnan na duguan at wala nang buhay ang kanyang pamilya.
Sinabi ng isang bata, may nakita umano siyang tatlong kabataan na pumasok sa loob ng bahay na may mga dalang kutsilyo.
Hindi nagtagal ay narinig na niya ang sigaw ng isang babae.
Inilarawan ng saksi na naka-blonde ang buhok ng isa sa mga suspek at mabilis na sumakay ng motorsiklo palayo sa lugar.
Ang nasabing bata ay inutusan umano ng kaniyang ina na pumunta sa tindahan dahilan upang makita niya ang mga suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.

0 comments:
Post a Comment