CBCP criticizing Presidential aspirant Rodrigo Duterte for cursing Pope Francis - November 30, 2015 Updates. Thousands of netizens also criticized Duterte in National TV but some are still in the side of the mayor.
Here is the video
Cruz kay Digong: ‘OK ang pranka wag lang bastos’
Hayagang tinawag na bastos ni Catholic Archbishop Emeritus Oscar Cruz si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ginawa nitong pagmumura at pagmamayabang sa kaniyang pagiging babaero.
Sa panayam ng Brigada News FM, sinabi ng opisyal na bagama’t magandang katangian sa isang tao ang pagiging pranka at natural sa sarili, pero maari umanong gawin ito na hindi “bastos” sa pandinig ng publiko.
“Mahirap sabihing everything is okay, sapagka’t pranka siya o sensiro siya. Come on, puwede kang sensiro na hindi ka naman bastos noh,” ani Cruz.
Pinatutsadahan pa ng Obispo si Duterte na mistulang asal-ISIS o miyembro ng terror group ng Islamic State.
“Sabi ko nga, parang ang nagsasalita, ewan ko kung taga-saan. O baka miyembro ng ISIS.”
Una nang umalma ang ilang sektor sa ginawang pagmumura ni Duterte sa idinulot na matinding traffic, kasabay sa pagbisita sa bansa ni Pope Frances. (Brigada)
0 comments:
Post a Comment