44 vintage bombs, nahukay sa Tacloban City
Apatnapu’t apat na vintage bombs ang nahukay ng mga construction workers sa kanilang site sa Sangkahan, Tacloban City.
Ayon sa mga trabahador, sa una ay anim lang ang nahukay nila.
Ngunit nang makakita pa sila ng mas marami pang mga sinaunang bomba, nag-desisyon na silang ipa-ubaya ito sa mga otoridad.
Ibinigay na ang mga nasabing bomba sa Explosive Ordiance Division (EOD) ng Tacloban City para sila na ang magsagawa ng ligtas na pagdi-dispatsa nito.
Ayon naman sa EOD, posibleng mas marami pang makitang mga vintage bombs sa lugar sa pagpapatuloy ng paghuhukay sa construction site kung saan ito natagpuan.
Noong Sabado lamang, may nahukay namang 81-mm mortar na vintage bomb ang isa ring construction worker sa Delpan sports complex sa Maynila.
Pinaniniwalaang noon pang World War II ginamit ang nadiskubreng mortar na posible pang sumabog Manila Police District-Explosives and Ordnance Division.
Aksidente itong nadiskubre ng isang trabahador nang tamaan niya ito habang siya ay naghuhukay.
0 comments:
Post a Comment