President Duterte promised to have national emergency hotline 8888 and 911 which will be fully operational this August 2016.
Hotline 911 will be for rapid emergency response for any cases and incidents while hotline 888 is the one you should call in case you have to report corrupt government officials.
"
Kinumpirma ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na magiging fully operational na sa buwan ng Agosto ang Citizen Hotline 8888 at ang 911 Nationwide Emergency Response Center.
Sa panayam ng Inquirer, ipinaliwanag ni Andanar na ang “8888” ang magsisilbing sumbungan ng mamamayan ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng pamahalaan.
Pwede ring idulog sa nasabing phone number ang mga hindi naaaksiyunan na proyekto ng gobyerno pati na rin ang mga umaabuso sa kani-kanilang mga posisyon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang 24-hour ang nasabing hotline na tatauhan ng mga opisyal ng Presidential Action Center (PACE) para mas maging mabilis ang pagtugon sa reklamo ng publiko.
Pero babala ni Duterte na dapat ay mga totoong reklamo lamang ang ipararating sa hotline dahil mananagot sa kanya ang sinumang gagawa lamang ng kwento para ididiin ang isang partikular na tauhan ng pamahalaan."
0 comments:
Post a Comment