A new road going to Bambi falls in Binalbagan, Negros Occidental has been an attraction in the area because of its strange MAGNETIC or GRAVITATIONAL PULL.
Kahit kasi naka-neutral shift ang ilang sasakyang dumaraan dito, tumatakbo ang mga ito nang pataas.
Pataas din umano ang akyat ng tubig na dumadaloy sa gilid ng kalsada.
"Noong time na ginagawa namin 'yung kalsada, nagtaka kami kasi yung ditching na dapat daanan ng tubig, paakyat," ayon sa kabo sa road construction na si Kenneth Robles.
Paliwanag naman ng hepe ng Provincial Disaster Management Program division ng siyudad na si Dr. Zeaphard Caelian, hindi gravitational pull kundi optical illusion lamang ang nangyayari.
"Optical illusion yung nangyayari, na iyong rope it's going up. But actually, iyong measurement ng height na iyan, is actually lower than the height na where you are," paliwanag ni Caelian.
0 comments:
Post a Comment