Two actresses share their stories how they become a good actresses for today's generation.
Sa press conference kamakailan para sa Book 2 ng teleseryeng Ina Kapatid Anak, nabanggit ni Eddie Gutierrez na bilib siya sa mga batang co-stars niya dahil aniya, simula pa lang ng eksena ay umiiyak na ang mga ito, na ibig sabihin ay mabilis silang maglabas ng emosyon. Kaya naman tinanong sa dalawang female lead stars na sina Kim Chiu at Maja Salvador kung saan sila humuhugot ng emosyon.
Unang sumagot si Maja na gumaganap bilang Margaux sa nasabing top-rating teleserye. “Sa akin po may mga eksena po kunwari ka-eksena ko ‘yung daddy ko (portrayed by Ariel Rivera)humuhugot ako do’n. Siyempre, ‘yung daddyko wala na po, [so] dun humuhugot ako [ng emosyon],” pagbabahagi ng aktres. “Pero may mga eksena na nagpapatulong ako kay direk kasi siyempre may mga hindi naman po kaya ng experience [ko] ng mga ganung eksena, so pag ganun po minsan humuhugot [ako] sa totoong buhay. Minsan kailangan naka-pokus ka sa talaga sa kung ano man ‘yung challenges na dumarating sa karakter do’n.”
Ang sumunod namang sumagot ay si Kim na gumaganap sa role ni Celyn sa Ina Kapatid Anak. Ayon sa aktres, humuhugot daw siya ng emosyon mula sa personal na karanasan. “Kasi andami ko nang napagdaanan, andami ko nang nalampasan and dun ko na lang inilalabas sa acting ko. Andsiyempre minsan din sa character namin parang nadadala na rin kami sa kwento at mga linya na sobrang masakit sabihin,” ani Kim.
Ibinibigay rin ni Kim ang credit sa kanilang mga writers na silang lumilikha ng magandang script.
0 comments:
Post a Comment