Home » » Boy Abunda on Kris Aquino's resignation: "Kailangan niyang magtrabaho, pero iginagalang ko ang kanyang resignation."

Boy Abunda on Kris Aquino's resignation: "Kailangan niyang magtrabaho, pero iginagalang ko ang kanyang resignation."

Written By Pinoy Favs on Monday, March 25, 2013 | 7:43 PM



Hindi makapagbigay ng statement ang talk show host na si Boy Abunda sa kinasasangkutang isyu ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap.
Nasa korte na raw kasi ang naturang usapin at may gag order na para sa magkabilang kampo.
Si Boy ay malapit na kaibigan at business manager din ni Kris. Sa bahay niya ginawa ang civil wedding ceremony nina Kris at James noong July 10, 2005.
Ano ang reaksiyon niya sa pagku-quit diumano ni Kris sa kanyang TV career para maalagaan nang husto ang kanyang mga anak?
“’Yan ay ano… may statement ang ABS,” pagtukoy ni Boy sa inilabas na statement ng ABS-CBN tungkol sa announcement ni Kris na magre-resign na siya sa lahat ng kanyang mga programa.
Ngunit ayon sa ABS-CBN, tatapusin ni Kris ang kanyang commitments sa tatlo niyang programa: Kris TV, Kailangan Ko’y Ikaw, at Pilipinas Got Talent.
(CLICK HERE to read related story.)
Bilang kaibigan at manager ni Kris, ano ang reaksiyon ni Boy?
“Siyempre, nalulungkot…
“Ganito lang ‘yan—nalulungkot pero iginagalang ko ang kanyang desisyon.
“Ang dami kasing gusto kong sabihin, pero hindi puwede dahil pangungunahan natin ang lahat.
“I don’t know… hindi ko alam na sasabihin niya yun [pagre-resign] nung siya’y magsalita.
“Was I surprised? Hindi masyado dahil I get the point na kahit anupang…
"Whatever the discourse, whatever the conversation is, naiintindihan ko that nothing will be more important than our families. Not even our careers.
source: pep.ph

0 comments:

Post a Comment



Followers

Donate to this blog

We would like to extend our greetings to everyone of our readers. Your donation is very much helpful for us to continue serving you top information. Thank You -pinoyfavs-

Total Pageviews