Home » , » Marian Rivera, sinita ng Guard ng ABS-CBN!!!

Marian Rivera, sinita ng Guard ng ABS-CBN!!!

Written By Pinoy Favs on Thursday, September 12, 2013 | 7:00 PM


Marian Rivera, sinita ng Guard ng ABS-CBN!!!

Nang isinama ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang Kung Fu Divas co-star na si Marian Rivera sa opisina ng Star Cinema sa ABS-CBN compound kagabi, September 11, talagang pinagtinginan ng mga tao roon ang Kapuso Primetime Queen.

Panay naman ang bida ni Ai-Ai sa lugar nila, "Maganda ang ABS!" Tawa lang nang tawa si Marian. Pero angmas nakakatawa ay nang sitahin ng guard si Marian at tanungin ang pangalan nito nang papasok na sila ni Ai-Ai. Impernes kay Manong Guard, ganun talaga sila sa ABS-CBN, mahigpit sila pagdating sa security at masasabi ngang ginagawa lang ni Manong Guard ang kanyang trabaho na manita ng papasok na hindi tagaroon—kahit kilala o sikat na tao pa ang papasok.

Buti nga lang, kasama ni Marian si Ai-Ai na pabirong humirit sa nanitang guard ng: "Tumigil ka nga, kuya. Ano ba yang sinasabi mo? Ang dami mong alam!" Nagtawanan tuloy sina Marian at iba pa nilang kasama sa hirit ni Ai-Ai. Tumuloy sina Marian at Ai-Ai sa opisina ng Star Cinema na siyang co-producer ng Kung Fu Divas.



via pep.ph

0 comments:

Post a Comment



Followers

Donate to this blog

We would like to extend our greetings to everyone of our readers. Your donation is very much helpful for us to continue serving you top information. Thank You -pinoyfavs-

Total Pageviews